“Last man standing is a woman.” Pinasikat ni Leni Robredo ang mga katagang ito sa isang debate noong siya’y kumandidato sa pagka-bise presidente.
Pero may isa pang pulitikong muling nagtayo ng bandera ng kababaihan: Si Senadora Risa Hontiveros. Sa harap ng mga senador na nagmistulang stans ni dating President Rodrigo Duterte sa hearing noong Oktubre 28, pinamalas ni Hontiveros ano ang kayang gawin ng nag-iisang babaeng miyembro ng komite na matinik at maprinsipyo.
Sabi nga ng kolumnista ng Rappler na si Val Villanueva: “Just when Mr. Duterte was starting to believe he was in control of the situation, Senator Hontiveros put him in his place, but not before calling out Senator (Jinggoy) Estrada for cracking a joke earlier, telling him that the death of thousands was no laughing matter. That effectively shut him up, along with the other obsequious senators.”
Itinanong ni Hontiveros ang mga tanong na dapat tanungin, at sa proseso ay hinubaran ang dispalinhadong lohika ng dating presidente.
Si Hontiveros ang nag-follow-up question matapos ang dramatic at pa (false) hero effect nang idineklara ni Duterte na: “I alone am responsible, legally, for the war on drugs, not the policemen [who are now under investigation for extrajudicial killings].” Tanong ni Hontiveros kay Duterte, “Do you take responsibility for the innocent victims like Kian delos Santos?” Dito nagkabuhol-buhol na ang sagot ni Digong.
In contrast naman si Senador Koko Pimentel. Senator Koko, hindi ka ba minumulto ng freedom fighter mong ama na si Nene? Bakit ka naman nagpagamit sa Three Stooges (Bato dela Rosa, Bong Go, at Robinhood Padilla)?
At talaga namang minion vibes ang na-feel namin kina Robinhood Padilla (na nabiyayaan ng absolute pardon ni Digong kaya’t nakatakbo sa Senado) at Dela Rosa na nagkumahog na ilagay umano sa konteksto ang true confessions ng kanyang amo.
Di ba fundamental ang mali, blue ribbon subcommittee chairman Koko Pimentel? Hindi ba malinaw na conflict of interest ang naganap? Paano nangyari na si Bato at Bong Go, na parehong pinangalanan sa mga testimonya na sangkot sa Davao Death Squad at nationwide na drug war killings — paano nangyari na puwede silang magtanong at maghugas-kamay?
At Senador Pimentel, hindi ka ba kinilabutan nang pinalakpakan sa bulwagan ang mga kuda ni Duterte na sa buod ay homicidal at kriminal?
Bakit hindi mo ginamit ang kapangyarihan mong patahimikin ang mga naggo-glorify sa isang self-confessed killer, lalo na nang sinabi niyang, “If given the chance” he “would do it again, even twice over”?
Extrajudicial killings are no laughing matter, pero naging katatawanan dahil kay Duterte at Bato at Senador Jinggoy Estrada na nang-intriga pa tungkol kay dating senadora Leila de Lima.
Kapag nagsama ang mga payaso at komedyante sa Kongreso, ayan ang resulta. What a disgrace to the Senate as an institution. Sabi ng isang beteranong journalist ng Rappler, “Senate is the new House, and the House is the new Senate.”
Pero marami ring naging “confession,” no thanks to the coddler-senators, but ironically, courtesy ng walang prenong imburnal na bunganga ni Digong. (BASAHIN: Duterte’s admissions during Senate drug war hearing and what they mean)
- Inamin ni Duterte na tinuruan niya ang mga pulis na i-encourage ang mga suspek na manlaban para puwede nang barilin
- Mayroon siyang mga death squad
- Mga hepe ng pulisya ang tumayong death squad commanders (at tinuro pa niya si Dela Rosa na isa dito.
Sabi ng veteran journalist na si Vergel Santos, made na raw ang International Criminal Court sa isang araw na hearing noong Oktubre 28, 2024. May confession na itong hawak mula mismo kay Duterte na magagamit sa kaso nitong “crimes against humanity” laban sa mastermind ng war on drugs. Tandaan natin ang petsa na iyan dahil babalikan ‘yan ng maraming historyador. That’s the day — as Santos describes it — that Duterte “gathered the rope with which to hang himself.” Sa Filipino, “nagbigti sa sariling lubid.”
Babalikan din mga historyador ang Oktubre 11, 2024, ang araw kung kailan kinumpirma ni Royina Garma, isang pangunahing galamay na pulis ni Duterte noong mayor siya ng Davao, na ipinadron ang “war vs drugs” ni Duterte sa Davao model. Si Garma rin ang nagpaliwanag ng rewards system ng Davao at nationwide tokhang na kung saan incentivized ang pagpatay.
At kung may komedya, may trahedya. Sabi nga ni Santos, kitang-kita ang “inability of Philippine institutions” na pairalin ang hustisya pagdating kay Duterte — na siya mismong dahilan bakit nag-i-intervene ang ICC.
Pansinin ang ikatlong punto sa enumeration sa itaas — “mga hepe ng pulisya ang tumayong death squad commanders.” Dahil sa isang blood-thirsty na presidente, na-corrupt nang sagad sa buto ang kapulisan. Mula alagad ng batas, naging alagad sila ng kamatayan. At ‘yan ang hindi talaga katatawanan. – Rappler.com